Natuklasan ng mga tropa ng 76th Infantry Battalion (Victrix) ang malaking halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga sa isang nakasagpang twin-engine speedboat sa baybayin ng Sitio Agbalite, Brgy. Harrison, Paluan, Occidental Mindoro bandang alas-3 ng hapon noong Marso 10, 2026.

Photo from Kalinaw News

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga sundalo ng impormasyon mula sa isang concerned citizen tungkol sa dalawang Chinese nationals na sakay ng bangka. Nang sinubukan ng tropa na inspeksyunin ang speedboat, tumakas ang dalawang indibidwal patungo sa kabundukan.

Photo from Kalinaw News

Sa pagsusuri sa bangka, natagpuan ang 43 sako ng puting kristal na substansya na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride o shabu, na may timbang na humigit-kumulang 2.2 tonelada at tinatayang nagkakahalaga ng ₱20 bilyon sa merkado. Narekober din ang Starlink satellite communication device at iba pang kagamitan mula sa bangka.

Photo from Kalinaw News

Patuloy ang pursuit operations ng 76th Infantry Battalion, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno, upang masundan ang mga tumakas na suspek habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon at maayos na disposisyon ng mga nakuhang ebidensya.