Nasabat ng Sultan Kudarat PNP ang tinatayang ₱1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa Barangay Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kagabi November 24, 2025.

Arestado ang apat na indibidwal matapos mahinto sa checkpoint ang dalawang kahina-hinalang sasakyan. Ayon sa ulat ng pulisya, napansin ng mga otoridad ang mga driver na balisa at hindi maipaliwanag ang kanilang kilos habang dumadaan sa checkpoint.
Nang inspeksyunin ang mga sasakyan, natagpuan ang malaking bilang ng sigarilyo na hinihinalang smuggled, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1,511,125.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina alyas “Mark,” Fhadzri, Laila, at Verhama, at kasalukuyang nasa kustodiya ng Sultan Kudarat MDN PNP habang isinasagawa ang karagdagang imbestigasyon.


















