Arestado ang isang guro at tatlong katao na kasama nito habang nasagip naman sa kamay ng mga ito ang isang menor de edad na babae sa matagumpay na drug buybust operations ng PDEA-BARMM kahapon ng umaga sa Barangay Rapasun, Islamic City of Marawi.
Sa ulat na galing sa ahensya, kinilala ang mga suspek na si Fatima Pangcoga na isang substitute teacher at mga kasama nitong si Hania Delinogun na isang negosyante, Ismael Mamalinta na isang internet attendant at Alfatah Oranggaga na isang estudyante at mga residente sa Lanao del Sur.
Nakuha sa mga ito ang limang piraso ng nakataling transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, may timbang na 500 grams at may presyong aabot sa P3.4-M.
Narecover din sa mga ito ang mga telepono, isang sasakyan, mga id, isang ecobag at ang boodle money na ginamit sa transaksyon.
Sa kulungan ngayon ang bagsak ng apat na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 habang ang menor de edad naman nito na kasama ay dadalhin sa MSSD ng rehiyon para sa naaayong disposisyon at dokumentasyon.