Patay ang isang propesor sa Kidapawan City matapos barilin sa mismong sasakyan nito, tanghali nitong lunes, dalawang araw bago ang bagong taon.

Kinilala ni Kidapawan City PNP Chief PLt. Dominador Palgan Jr. ang biktima na si Engr. Shiela Ramos Bautista, 46 anyos, may asawa, at isang Civil Engineer at Professor sa USM-KCC na residente ng Brgy. Manongol, Kidapawan City.

Ayon sa mister ng biktima, ihahatid lang sana ni Professor Shiela ang ibinibentang sapastos sa kanyang customer nang pagsapit nito sa lugar ay dito na ito walang habas na pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang leeg ang biktima dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng otoridad hinggil sa pamamaril.