Dead on the spot ang kapitan del barrio ng Barangay Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur matapos na paulanan ito ng bala sa mismong pamamahay nito.

Sa ulat ng kapulisan, kauuwi pa lamang ni Chairman Kamran Abubakar galing sa isang congregational prayer sa isang moske ng lapitan ito ng dalawang lalaki at paulanan ng bala.

Agad naman na tumakas ang mga suspek matapos na maisagawa ang karumaldumal na pagpatay sa kapitan. Nagiimbestiga pa rin ang PNP Datu Salibo sa insidente.