Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Doña Blanco Street, Mother Barangay Poblacion, Cotabato City, kaninang madaling araw ng Hunyo 4, 2025, bandang alas-5.

Kinilala ang nasawi na si Allan Felmin, isang dispatcher sa Mega Market at residente ng Kakar, Barangay Poblacion 8, Cotabato City. Siya ay hiwalay sa asawa.

Ayon sa ulat, tumama ang bala sa ulo ni Felmin na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang posibleng motibo at ang salarin sa krimen.