Idineklarang dead on arrival sa ospital ang kinilalang si Saber Mohamad, nasa wastong gulang, residente ng Brgy. Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nang mabiktima ng pamamaril sa Brgy. Poblacion, Dalican sa nasabi ring bayan.
Base sa paunang ulat ng Datu Odin Sinsuat PNP, minamaneho ng biktima ang kanyang payong-payong tricycle nang pagbabarilin ng nakabuntot sakanya na di pa nakilalang suspek sakay ng isang scooter motorcycle.
Matapos maisagawa ang karumal-dumal na pamamaril, agad tumakas ang suspek sa di malamang direksyon habang ang biktima ay nakahilata’t duguan sa gilid ng National Highway.
Agad na rumesponde ang pulisya at sinubukan pang isugod sa ospital ang biktima pero kalauna’y idineklarang dead on arrival.
Sa ngayon, inaalam na ng Datu Odin Sinsuat PNP ang motibo ng di pa nakilalang suspek sa pamamaril.