Sugatan ang isang lalaki matapos na maging biktima ito ng pamamaril nitong sabado ng gabi sa Sitio Kurungan, Upper Idtig sa bayan ng Paglat, Maguindanao del Sur.

Kinilala ng Paglat Municipal Police ang sugatan na biktima na si Ramstualan Masag, nasa wastong gulang na residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pamamaril sa kasagsagan ng pagsasalo salo nito kasama ang pamilya para sa hapunan ng lapitan ito ng suspek at barilin ang biktima sa tiyan at kaliwang paa nito.

Pitong basyo ng di pa identipikadong bala ng baril ang natagpuan sa crimescene habang blangko naman sa motibo ng pamamaril sa biktima ang mga autoridad.

Patuloy naman sa pag-alam amg Paglat MPS sa motibo at pagkakakilanlan ng bumaril.