Patay on the spot ang isang Barangay Purok Leader at Negosyante nang pagbabarilin ito kagabi sa mismong tindahan nito sa Broce Zone 1, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte.
Sa impormasyon mula sa mga otoridad, kinilala ang biktima na si Marissa Barrozo. Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na naka tayo lamang ang biktima sa kanyang tindahan nang bigla itong pagbabarilin-patay ng di pa tukoy na suspek na sakay ng motorsiklo.
Apat na beses na tinamaan ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito ang biktima na dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Nag papatuloy pa rin ang masinsinang imbestigasyon sa nasabing insidente.