Isang di-sumabog na pampasabog ang matagumpay na na-neutralize sa Barangay Mileb, Rajah Buayan, nitongng Pebrero 10, 2026.
Ayon sa ulat, bandang 12:50 ng tanghali, nakatanggap ang Rajah Buayan MPS ng impormasyon tungkol sa isang unexploded ordnance sa nasabing barangay. Agad na nakipag-ugnayan si PCPT Joel S. Lebrilla, hepe ng RBMPS, sa PECU Maguindanao del Sur para sa EOD at K9 assistance.
Bandang 1:20 ng hapon, dumating sa lugar ang composite team mula sa PECU MDS, RBMPS, at Alpha Coy, 34IB, PA upang tiyaking ligtas ang paligid at ma-secure ang lugar.
Matapos ang pagsusuri at pagsunod sa safety protocols, isinagawa ng EOD Team ang Blast/Blow in Place (BIP) operation, at matagumpay nilang nadeactivate ang improvised projectile rocket grenade bandang 2:20 ng hapon.
Idineklara nang ligtas ang lugar bandang 2:30 PM at wala nang naiwan na mapanganib na kagamitan.

















