Patay ang isang ginang, habang sugatan naman ang 8 iba pa matapos aksidenteng mabagsakan ng puno sa Brgy. San Raymundo, Jolo Sulu.
Ang nasawing biktima ay isang 40 anyos na babae.
Sa inisyal ng impormasyon ng Jolo Disaster risk reduction management, nabuwal umano ang puno ng acacia sa gilid ng daan na nataon namang dumaon ang isang tricycle kung saan sakay ang biktima.
Nagtamo umano ito ng sugat sa kanyang batok at leeg na syang dahilan ng kanyang pagkasawi.
Samantala, sugatan din ang walong iba pa ng bumagsak naman ang isang puno sa mismong brgy hall ng naturang lugar na sa ngayon ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa Sulu Sanitarium & General Hospital.
Napag-alaman na nakaranas umano ng matnding pag-ulan ang nasabing lugar na syang possibleng dahilan ng paglambot ng lupa at nagresulta sa pagkakabuwal ng mga puno.