Binawian ng buhay sa ospital ang isang taong gulang na si Baby Jared matapos matuklaw ng banakon (isang uri ng makamandag na ahas) sa Sitio Layangan, Barangay Sarayan, Matalam, Cotabato.
Ayon sa mga ulat, kasama ni Baby Jared ang kaniyang lola nang magtangkang kumuha ng pagkain. Pagsilip ng lola, nadiskubre niyang tinuklaw na ng ahas ang bata.
Agad itong isinugod sa ospital, ngunit pumanaw din ang bata bandang gabi, ayon sa mga kaanak.