Kinumpirma ni Cotabato City Election Supervisor Atty. Dindo Maglasang na sampung mga guro ang umatras na sanay magsisilbing miyembro ng Electoral Board para sa nalalapit na halalan sa Mayo 12, 2025.
Dahil sa biglaang pag-atras, magtatalaga ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga miyembro ng Special Electoral Board mula sa hanay ng Philippine National Police (PNP) bilang kapalit ng mga gurong umatras.
Pakiusap naman ni Atty. Maglasang sa iba pang guro na kung may balak silang umatras, gawin ito nang mas maaga at huwag hintayin ang mismong araw ng halalan upang maiwasan ang aberya at pagkaantala sa proseso ng eleksyon.