1000 percent na suporta ang ibibigay ng Partido Federal ng Pilipinas o PFP sa buong United Bangsamoro Justice Party o UBJP, alinsunod sa mandato ng national directorate ng partido.
Ito ang naging deklarasyon ng namumuno ng pinuno ng PFP sa BARMM na si Ginoong Bong Amin sa pagsasalita nito ng mensahe sa naging Provincial Assembly ng UBJP sa lalawigan ng Sulu ngayong linggo.
Ayon kay Amin, na sa pagaalyansa ng PFP at ng UBJP, tinitiyak nito na sisilay ang Bagong Pilipinas at bagong BARMM. Nananalangin din ito na nawa ay manggaling sa UBJP at PFP ang mga maihahalal sa kauna-unahang eleksyong pamparliamentaryo sa susunod na taon.
Matatandaan na una nang pinatawag ang mga opisyales ng UBJP sa palasyo ng Malacanang ng pangulo upang kausapin hinggil sa alyansa ng dalawang partido para sa BARMM.
Ang PFP ay pinamumunuan ng mismong National Chairman na si Pangulong Bongbong Marcos at National President na si South Cotabato Governor Reynaldo Jun Tamayo, Jr.