Aabot sa (100,000) isandaang libo na katao sa Maguindanao del Sur at Special Geographic Area- BARMM ang apektado ng malawakan at matinding pagbaha.
Ito ang kinumpirma sa isang pulong balitaan ni Bangsamoro READi Emergency Operations Division Chief Jofel Delicana sa punong tanggapan ng BARMM READi dito sa lungsod.
Sa inilabas na datos ng ahensya, nakatuon pa lamang ang kanilang pagmomonitor sa tatlong lalawigan ng BARMM tulad ng Maguindanao Norte, Maguindanao del Sur, at walong munisipyo ng SGA-BARMM sa Midsayap Cotabato.
Ayon kay Delicana, mula sa 343 na kabarangayan sa SGA-BARMM at Maguindanao Sur, 94,395 na indibidual na ang naapektuhan ng krisis sa matinding baha.
Sa ngayon, doble ang pagsisikap ng BARMM READi na makapagabot ng kaukulang tulong at rescue sa ibang mga lugar sa rehiyon na nakakaranas ng kahalintulad na sitwasyon. Samantala, challenge para sa ahensta ang pagbibigay ng kaalaman at impormasyon dahil sa kakulangan ng komunikasyon.
Dahil dito, naganyaya ang naturang ahensya sa mga mamamayan na makipagtulungan, maging alertado at umantabay sa mga updates nila sa mga ganitong klase ng sakuna.
Para sa mga nangangailangan ng mabilis na tulomg o rescue maaring kontakin ang kanilang numero:0966-301-87770939-339-5221