Inaasahan ng PAGASA na nasa 11 hanggang 19 na bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan ng Hunyo at Nobyembre ngayong 2025.
Ayon sa ahensya, karaniwang tinatahak ng mga bagyong ito ang direksyong patungong Luzon at ilang bahagi ng Visayas, habang ang ilan naman ay maaaring mag-recurve o lumihis palayo sa bansa.
Pinapayuhan ang publiko na maging handa sa posibleng epekto ng mga paparating na sama ng panahon sa mga susunod na buwan.