Isinuko ng sampung barangay chairmen ng Datu Odin Sinsuat ang labing-isang (11) assorted loose firearms sa isang ceremonial turnover na ginanap nitong Enero 13, 2026 sa presensya ng PLTCOL Esmael A. Madin, Chief of Police ng DOS Municipal Police Station, at Hon. Abdulmain Abas, Municipal Mayor ng Datu Odin Sinsuat.
Ang nasabing turnover ay bahagi ng patuloy na hakbang ng lokal na pamahalaan at kapulisan laban sa ilegal na armas sa komunidad. Kabilang sa isinukang mga armas ang tatlong homemade sniper rifles, tatlong homemade M79 grenade launcher, isang homemade KG 9 sub-machine gun, dalawang homemade UZI 9mm sub-machine gun, at dalawang homemade caliber .38 revolver. Kasama rin sa turnover ang anim na 40mm HEDP rounds.
Ayon sa ulat, mananatili sa kustodiya ng DOS Municipal Police Station ang mga armas at ipapasa sa Regional Firearms Unit (RFU) BAR para sa ballistics examination. Ang anim na 40mm HEDP rounds ay itatalaga naman sa Provincial Explosive Control Unit (PECU) Maguindanao para sa tamang disposal.
Itinuturing ng mga awtoridad na mahalaga ang hakbang na ito upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at patuloy na mapanatili ang katahimikan sa Datu Odin Sinsuat.

















