Umabot sa 112 persons with disabilities (PWD) sa Cotabato City ang tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Ministry of Social Services and Development ng BARMM nitong Mayo 15.

Layunin ng tulong na ito na suportahan ang pang-araw-araw na gastusin ng mga PWD trainees, partikular sa kanilang skills training at edukasyon.

Ayon kay Bryan Abdullah ng PWD Center, sakop ng cash assistance ang pamasahe, pagkain, at iba pang basic training needs.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱250 kada araw na allowance para sa buwan ng Enero hanggang Marso 2025.

May 16 graduates din ang kasalukuyang sumasailalim sa on-the-job training.

Ayon sa trainee na si Maria Shaina Clair Calunod, malaki ang naitulong ng programa sa kanyang kaalaman at kabuhayan.

“Masaya ako at proud dahil marami akong natutunan. Salamat po sa suporta,” aniya.

Patuloy ring mino-monitor ng MSSD ang mga benepisyaryo upang matiyak ang tamang paggamit ng pondo.