Ginahasa at pinugutan ng leeg ang 12-anyos na batang babae sa Barangay Matilo, Nabunturan, Davao de Oro kagabi, Abril 28 ng taong ito.
Natagpuan ang biktima sa loob ng kanyang silid na wala nang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo.
Batay sa rekord, kinilala ang biktima sa alyas na Angel, habang itinuturong suspek ang kinakasama ng kanyang tiyahin na si Erwin Solis, na agad namang naaresto ng pulisya.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad, habang nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek.