Labindalawa (12) na mga dating rebelde ang sumuko sa militar sa bayan ng Upi, Maguindanao Del Norte.
Matapos ang kanilang pagbabalik-loob, ang mga ito ay tumanggap ng tulong sa pamamagitan ng isang seremonya at presentasyon at pamimigay ng kaukulang ayudang isinagawa sa 57th IB, Edwards Camp sa Sitio Platue, Barangay Mirab ngayong araw.
Pinangunagan ni 6th ID at JTF Central Commander MGen. Antonio Nafarette ang seremonyas, kasama ang mga lokal na ehekutibo ng Upi, Bangsamoro Government Officials, Joint Peace and Security Teams at mga IP leaders.
Ito ay seremonya din para sa mga tinaguriang FVE’s o Former Victims of Extremism.