Boluntaryong isinuko ang Labintatlong (13) kagamitang pandigma sa himpilan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion sa Brgy. Zapakan, Radjah Buayan, Maguindanao del Sur noong Pebrero 24, 2025.
Ang pagsuko ng mga armas ay kasunod ng Political Candidates Forum sa Mamasapano, kung saan mismong si Mayor Akmad “Butch” Ampatuan Jr. ang humikayat sa mga residente na isuko ang kanilang loose firearms para sa kapayapaan.
Iprinesenta ni Lt. Col. Udgie Villan ang mga isinukong armas kay Col. Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, kabilang ang mga Cal .30 M1 Garand Rifle. Ayon kay Col. Catu, ito ay bahagi ng Small Arms and Light Weapons (SALW) Management Program upang sugpuin ang ilegal na armas at itaguyod ang seguridad sa rehiyon.
Dinaluhan ng mga lokal na opisyal, punong barangay, at iba pang stakeholders ang aktibidad. Pinuri naman ni Brig. Gen. Donald M. Gumiran, Commander ng 6th Infantry Division, ang LGU ng Mamasapano at militar sa kanilang pagsisikap para sa mapayapang halalan at kaayusan sa lugar.