Labing tatlo (13) na dating kasapi ng BIFF ang nagbalik loob sa pamahalaan sa 6th IB na nakabase sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao.

Ang pagbabalik loob ng mga ito ay pinangunahan ni 601st Brigade Commander BGen. Oriel Libres Pangcog at Col. Al Victor Burkley samantalang saksi naman sina Mayor Victor Sama at MP Bassir Utto, MP Atty. Suharto Ambolodto at MP Randy Karon.

Tumanggap naman ng ayudang pinansyal at livelihood assistance maging mga pangangailangan ang mga nagbalik loob mula sa tanggapan ng MPOS, MILG at MAFAR ng Bangsamoro Government.