Nadakip ang higit sa 140 na mga tagabali ng batas sa isang linggo lamang ng Police Regional Office-BAR. Ang mga nadakip ay pawang mga durugista, mga wanted, mga iligal na nagpupuslit, mga nagdadala ng loose firearms at mga carnappers.
Sa ulat ng PRO- BAR, lumalabas na pinakamarami sa mga nadakip nila ay mga sangkot sa paglabag sa Municipal Ordinances at Checkpoints na abot sa isang daan at tatlo (103). Tatlumpu’t dalawa (32) naman ang nakalaboso dahil sa droga at nakuha nila dito ang P895,000.00 na halaga ng mga iligal na droga at marijuana.
Sa anti-smuggling activities naman, apat (4) na kahon ng iligal o puslit na yosi ang nakumpiska na may halaga na aabot sa P40-K. Siyam (9) naman na mga wanted persons ang arestado, isa (1) sa iligal na pagdadala ng di lisensyadong armas at isa (1) naman ang carnapper.
Dahil dito, di titigil na tumiris ng mga law violators ang PRO BAR sa pangunguna ni RD PBGen. Prexy Tanggawohn upang mapanatili ang kaayusan sa rehiyon.