Panibagong buhay at pag-asa ang haharapin ng nasa labin-limang miyembro ng Lawless Terrorist Group o LTG sa lalawigan ng Maguindanao del Norte na nagbalik loob sa pamahalaan kahapon ng umaga.
Sa isang programa na inorganisa sa mga magbabalik-loob sa HQ-Brigade Support Area, First Brigade Combat Team, nanguna si Lt. Col. Gilbert Boado na siyang Commander Officer ng 6th Mechanized Infantry Batallion sa pagprisenta ng mga nagbalik loob kay BGen. Jose Vladimir Cagara na Commander ng 1BCT.
Bitbit nito ang samu’t saring armas na siyang ginagamit nito bilang kagamitang pandigma kagaya ng mga baril, mga granada at bala.
Ikinatuwa naman ni BGen. Cagara ang naturang hakbangin ng mga nagbalik loob upang makamit ang kapayapaan at katiwasayan sa siyudad.
Samantala, abot-abot naman ang pasasalamat ni MGen. Antonio Nafarette na commander ng 6ID at JTF Central ang lahat ng mga stakeholders at nagsumikap upang makamit ang isang komunidad na malayo sa banta at paghahasik ng mga armadong individual.
Timely o napapanahon din aniya ang pagsuko ng mga ito sa nalalapit nang 2025 National and Local Elections sa buong bansa.