Kabuuang 171 police personnel ang idineploy sa walong (8) bayan sa Special Geographic Area (SGA-BARMM) ng Police Regional Office Bangsomoro Autonomous Region sa isinagawang Send-Off Ceremony sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte.

Ang nasabing bilang ng kapulisan na ipapakalat sa mga bayan ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Tuugunan, Ligawasan, and Malidegao ay magsisilbing Special Security Task Group para pangalagaan at panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa mga nasabing bayan.

Kung matatandaan, ang walong (8) bagong tatag na mga bayan ay wala pang sariling mga himpilan ng pulisya kaya naman ang mga pulis na idineploy ay magsisilbi na ring tagapangasiwa ng kapayaan sa darating na National at Local Elections sa taong 2025.

Makakaasa umano ang mamamayan sa walong bayan ng SGA na sapat ang seguridad na ibibigay ng PNP upang makamit ang katahimikan at kapayaan.