sang 18-anyos na estudyante, kilala bilang alyas “Jovan,” ang inaresto sa isang buy-bust operation sa Davao City noong Setyembre 6, 2025. Nakumpiska mula sa kanya ang malaking halaga ng pinatuyong marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2.67 milyon. Ang operasyon ay isinagawa ng mga pulis mula sa iba’t ibang anti-narcotics units, kabilang ang Davao City Police, RPDEU-XI, at PDEA-XI, sa Barangay 76-A, Ubas Compound, SIR Riverside, bandang alas-12 ng hatinggabi
Sa unang bahagi ng operasyon, nakuha mula sa suspek ang isang medium-size Ziploc ng marijuana. Nang ipagpatuloy ang paghahanap, narekober pa ang limang malalaking plastic cellophane, isa pang medium Ziploc, at sampung pressed blocks ng marijuana, lahat nakabalot sa plastic. Ayon sa mga awtoridad, itinuturing si Jovan bilang isang High Value Individual sa rehiyon, kaya’t malaking isyu ang kanyang pagkakahuli sa operasyon
Dahil dito, nahaharap na si Jovan sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sa ngayon, nakadetine na siya at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kanyang koneksyon sa ilegal na kalakalan ng droga sa Davao region.