Nakahiwalay o isolated na sa ibang mga preso ang labing walo na mga inmates na nagpositibo sa iligal na droga sa loob ng South Cotabato Provincial Jail.

Ayon sa jail warden ng provincia na si Juan Lanzaderas, ang mga swak at nagpositibo ay kabilang sa 38 na mga preso mula sa Cell 13 na isinailalim sa drugtest.

Isinagawa aniya ang drugtesting sa mga inmates kasunod ng impormasyon na may nakakapasok na droga sa nasabing bilangguan.

Iniimbestigahan na rin aniya ang isang guardya matapos itong inguso ng mga inmate na nagpapasok sa naturang pasilidad ng iligal na droga.