Isang 18-anyos na babae mula sa Dalit community sa Kerala, India, ang napaulat na naging biktima ng pang-aabuso ng 64 na lalaki sa loob ng limang taon, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, 28 na suspek na kinabibilangan ng mga kapitbahay, sports coaches, at kaibigan ng ama ng biktima ang naaresto.

Ginamit umano ng mga suspek ang numero ng telepono ng ama ng biktima upang makipag-ugnayan sa dalagita at nagresulta ito sa serye ng pang-aabuso.

Hindi alam ng pamilya ng biktima ang nangyayaring pang-aabuso, na nagsimula sa isang kapitbahay na unang nangmolestiya sa kanya.

Mula rito, ginamit ng suspek ang mga litrato upang ipakalat sa iba pa, na nagdulot ng patuloy na pang-aabuso mula sa iba’t ibang indibidwal.

Lumabas lamang ang kaso nang magsagawa ng pagbisita ang mga counselor sa lugar na tinutuluyan ng biktima.

Dahil dito, naipila ang mga kasong kriminal laban sa mga suspek, kabilang ang paglabag sa Scheduled Castes and Scheduled Tribes (Prevention of Atrocities) Act at Protection of Children from Sexual Offences Act.

Patuloy ang imbestigasyon, at inaasahang mas marami pang sangkot ang maaaring madakip sa mga susunod na araw.

This photo is for illustration purposes only