Nasamsam ng mga tropa ng 2nd Infantry Battalion ang karagdagang armas at pampasabog noong Disyembre 30 sa hangganan ng Barangay Intusan at Salvacion, Palanas, Masbate. Kabilang sa nakumpiska ang mga bala, 28 anti-personnel mines, detonating cord, iba’t ibang bahagi ng pampasabog, at pentex boosters.

Ito ay kasunod ng naunang operasyon sa parehong araw sa Barangay Libas, Placer, kung saan natagpuan ang 42 APMs at 119 improvised grenades. Sa kabuuan, 189 na pampasabog ang nakumpiska sa magkakahiwalay na lugar sa loob ng isang araw.

Patuloy ang mga operasyon kasama ang suporta ng pulisya upang tiyakin ang kaligtasan ng mga komunidad. Pinapaalala rin ng Joint Task Force Bicolandia ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng publiko at hinihikayat ang mga natitirang miyembro ng NPA sa rehiyon na sumuko.

















