Kinilala ang 18th Sangguniang Panlungsod ng Cotabato City bilang Regional Awardee at Rank 1 Regional Finalist para sa Independent Component City category sa 2025 Local Legislative Awards na ginanap sa Cebu City.

Ayon sa organizers, ibinatay ang pagkilala sa kabuuang performance ng konseho, kabilang ang pagbalangkas ng mga ordinansa at pagpapatupad ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng lokal na komunidad.

Sinabi ni Presiding Officer at City Vice Mayor Sultan Johair Madag na magsisilbing dagdag-motibasyon ang naturang parangal upang lalo pang pagtibayin ang mga polisiya at programang may direktang pakinabang sa mga residente ng Cotabato City.