Naaresto ang isang 19 anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Santos Street, Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City kahapon Enero 19, 2026, matapos makuhanan ng hinihinalang dried marijuana.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Alyas Marvin, residente ng Barangay Rosary Heights 9, at nakumpiska mula sa kanya ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng dried marijuana leaves na may kabuuang timbang na 10 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1,200, kasama rin ang buy-bust money at isang mobile phone.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA RO BARMM Regional Special Enforcement Team, katuwang ang PDEA Maguindanao del Norte at del Sur Provincial Offices, PDEA Land Transportation Interdiction Unit, Marine Battalion Landing Team-6, Cotabato City Police Office Drug Enforcement Unit, at PNP Maguindanao Maritime Group.

Kasalukuyan nang inihahanda ng mga otoridad ang kaso laban sa suspek sa paglabag sa Sections 5 at 15, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.