Aprubado na sa pinakahuling pagbasa ang BTA No. 332 at 333 upang amyendahan ang mga kailangan para sa plebisito sa planong paggawa ng dalawang bayan sa probinsya ng Maguindanao del Norte.

Positibo ang naging tugon ng mga mambabatas dito matapos na makakuha ng 43 votes, 4 na abstain o tumangging bomoto at walang naging tutol dito, ito ay base sa ginawang session ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Matatandaan na una ng naipasa ang Bangsamoro Act. No. 54 at 55 na naglalayong paghati ng Datu Odin Sinsuat at pagbuo ng mga bayan ng Datu Sinsuat Balabaran at Sheik Abas Hamza mula sa nasabing lugar.