Tustado sa sunog na naganap ngayong araw ang (2) dalawang batang magkapatid sa Purok 7, Barangay Magbok sa bayan ng Tulunan North Cotabato.

Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Cotabato, iniwan ng mga magulang nito ang 1 at 3 years old na magkakapatid na lalaki dahil may sadya ito sa kabilang barangay.

Dito na naganap ang sunog at ng datnan nila, abo na ang mga labi ng kanilang mga anak.

May mga anggulo na kinandado umano ng magulang nito ang mga bata bago umalis sa pamamahay habang pinaniniwalaan naman na naglaro ng posporo o lighter ang dalawang bata na naging sanhi ng sunog sa pamamahay nito at kanilang pagkakasawi.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.