Nakilala na ang (2) dalawang bata na natusta matapos masunog ang kanilang kabahayan sa Purok 7, Magbok sa Tulunan Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ang dalawang bata na sina John Mike Barinbad na (3) tatlong taong gulang at John Kyle Barinbad na (1) isang taong gulang.

Nabatid na iniwan ng nanay ang (2) dalawa sa kanilang pamamahay dahil sa may inaasikaso ito habang nasa sakahan naman ang tatay nito ng maganap ang insidente.

Di na makilala at halos abo nang datnan ng (2) dalawa ang mga batang nasunog.

Sa labis na hinagpis, sinubukan pang sugurin upang kunin ang anak ng kanilang nanay ang nagbabagang bahay ngunit napigilan naman ito ng mga kapitbahay.

Inilibing na kahapon ang mga bata alinsunod sa tradisyon ng mga kapatid nating Muslim.