Dalawa ang nasawi habang isa ang sugatan sa aksidenteng naganap sa National Highway, Brgy. Kiyaab, Antipas, Cotabato dakong alas-8 ng gabi noong Sabado, Abril 5, 2025.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Antipas PNP, nawalan ng kontrol ang motorsiklo na sinasakyan ng tatlong menor de edad habang binabaybay ang pababang bahagi ng kalsada at bumangga sa konkretong riprap wall sa gilid ng highway.
Agad silang dinala sa ospital, ngunit idineklarang dead on arrival sina Joshua, 17, at Christian, 5. Sugatan naman si Erick, 7. Lahat sila ay residente ng Brgy. Greenhills, Pres. Roxas, Cotabato.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad habang labis ang dalamhati ng kanilang pamilya sa nangyaring trahedya.