Arestado ang dalawang construction workers sa ikinasang anti-illegal drug operation ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU) katuwang ang PDEA-BARMM sa Purok Shariff, Rosary Heights 10, Cotabato City kahapon, Hulyo 7, 2025.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek sa mga alyas na “Jay”, 25 anyos, at “Toto”, 55 anyos, na kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Nasamsam mula sa mga ito ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang tooter, at marked money na ginamit sa operasyon.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek at nakatakdang sampahan ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.