Dalawang estudyante ang nasa kritikal na kalagayan matapos masalpukan ng isang pick-up truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Bialong kaninang umaga.

Kinilala ang mga biktima sa apelyidong Arbado at Gauran, na kapwa mga estudyante at magka-angkas sa motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
Agad silang isinugod sa pinakamalapit na ospital kung saan patuloy silang ginagamot dahil sa mga tinamong malubhang sugat sa katawan.
Patuloy namang ini-imbestigahan ng M’lang Municipal Police Station ang insidente upang matukoy ang sanhi ng banggaan at kung may pananagutan ang drayber ng pick-up truck.