Dalawang estudyanteng lalaki ang nahuli matapos mahulihan ng hinihinalang marijuana bandang alas-4:30 ng hapon kahapon, Hunyo 11, sa Kalye Rosales, Barangay Kakar, Poblacion 8, lungsod ng Cotabato.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Nathan, 19 taong gulang at residente ng Rosary Heights 5, at si Ham, 19 taong gulang na nakatira naman sa Poblacion 8.
Ayon sa imbestigasyon, magkasama ang dalawa nang masamsaman sila ng isang pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana na may tinatayang timbang na limang gramo.
Agad silang dinala sa Police Station 2 at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.