Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng dalawang grupo ng MILF sa Barangay Linantangan, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur kahapon, Marso 4, 2026.
Sa naging eksklusibong panayam ng 93.7 Star FM News Team kay Lt. Col. Ronald E. Suscano, tagapagsalita ng 6th Infantry “Kampilan” Division, ang naglalabang puwersa ay mula sa grupo ni Kagi Gani Adam, Brigade Commander ng 118th Base Command ng MILF-BIAF, at ng grupo ni Zainodin Kairo, Field Commander ng 128th Base Command ng parehong organisasyon.
Parehong naiulat na may tig-dalawang sugatan sa magkabilang panig.
Dagdag pa ni Lt. Col. Suscano, ang dahilan ng bakbakan ay personal na alitan.
Hindi nag-atubiling rumesponde ang mga awtoridad upang agad mapigilan at makontrol ang sitwasyon. Samantala, ayon sa opisyal, kasalukuyang isinasagawa na ang pag-aayos at pag-aareglo sa magkabilang grupo.

















