Patay ang dalawang (2) hinihinalang gunrunners matapos makipagbarilan sa mga sundalong nagsasagawa ng checkpoint operation sa Brgy. Old Maganoy, pasado alas-9:00 ng umaga nitong Martes. March 18, 2025
Batay sa ulat, nagsasagawa ng regular na checkpoint operation ang mga miyembro ng 33rd Infantry Battalion nang mapadaan ang isang puting mini van na sinasakyan ng mga suspek na kinilalang sina Norsalam Ulama at Norsama Muntok na kapwa residente ng Barangay Kakal, Ampatuan, Maguindanao del Sur.
Nang papalapit na para inspeksyunin ang sasakyan, bigla umano itong humarurot at pinaputukan ang mga sundalo.
Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang militar na nauwi sa pagkamatay ng dalawang suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang M16A1 rifle na may magazine at mga bala, pati na rin ang isang Caliber .45 na baril.