Nakumpiska sa isang lalaking dealer at kasabwat niyang babae ang 340,000.00 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa Barangay Arena Blanco sa lungsod ng Zamboanga City.

Sa ulat ng PRO-9 nasa kustodiya na ng Zamboanga Police Station 4 ang dalawang suspetsado matapos na sumuko ito ng mahalatang kasapi ng kapulisan ang napagbentahan nito.

Haharap ang dalawa sa kasong may kinalaman sa iligal na droga at himas rehas na ngayon ang dalawa sa bilangguan.