DALAWA ang patay habang sugatan naman ang isa pa matapos ang maitala ang panibagong insidente ng pamamaril magtatakipsilim nitong Huwebes sa bahagi ng Manday, Mother Barangay Bagua, Cotabato City.

Dead on the spot ang target ng pamamaril na kinilalang si Jonas Tampla habang idineklarang dead on arrival naman ang nadamay na biktima na si Raynon Esgan matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Sugatan din ang isa pang nadamay sa pamamaril na kinilalang si Saina Tanghayan, isang menor de edad, nang tamaan ito ng ligaw na bala sa kanyang katawan.

Ayon kay Cotabato City Police Station 4 Commander PCaptain Eduardo Malicdem, sakay ng isang kulay pulang motorsiklo ang biktimang si Jonas nang pagsapit nito sa bahagi ng Corner Roque St. at Tanghal St. DITO na pinagbabaril ng hindi pa tukoy na riding in tandem.

Nagkalat sa Crime Scene ang labing-walong basyo ng Cal.45 pistol na pininiwalaang ginamit ng mga suspek sa pamamaril.

Nagtamo ng 4 na tama ng bala sa ulo at ang biktimang si Jonas na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang sa bahay pagamutan na binawian ng buhay si Raynon Esgan.

Habang nagpapagaling naman sa ngayon ang batang babaeng si Saina Tanghayan sa ospital.

Ayon pa kay PCpt. Malicdem, lumalabas aniya sa inisyal na imbestigasyon na inabangan ng mga gunmen si Jonas Tampla na siyang target sa pagpatay kung saan nagtamo pa ito ng dalawang tama ng bala sa kamay nito.

Sa ngayon, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo at pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril.