NASAWI ang dalawang retiradong pulis na kinilalang sina Solaiman Alibasa at kasamang si Hadji Asrap Sandab matapos tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Paigoay sa Marogong, Lanao del Sur nitong hapon ng Sabado, Dec. 7, 2024

Habang kinilala naman ang tatlong sugatan na sina Sanaoray Alibasa, Sarpia Mangayao at Ramil Bao na isa ding retiradong pulis,

Sa ulat ng Marogong Municipal Police Station, ang mga nasawi na sina Alibasa at Sandab kasama ang tatlong (3) iba pa ay binabaybayan ang national highway patungo sana sa bayan ng Malabang, Lanao del Sur nang tambangan sila at paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang kotse ng mga kalalakihan sa gilid ng kalsada.

Maagap namang nirespondehan ng mga otoridad ang pangyayare at mabilis na naisugod sa Bahay pagamutan ang mga biktima.

Ayon kay Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PROBAR) Director PBGen. Romeo Juan Macapaz, nagbigay na ito ng direktiba sa mga opisyal ng Lanao del Sur Provincial Police Office sa mabilisang pagkakadakip sa mga hindi pa tukoy na mga suspek.