Kinumpirma ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang na dalawang indibidwal ang hindi na nakaligtas matapos ang malakas na lindol na yumanig sa lalawigan kaninang umaga, na may lakas na magnitude 7.4.

Ayon kay Governor Dayanghirang, naapektuhan din ng pagyanig ang suplay ng kuryente sa ilang lugar.

Bilang bahagi ng pag-iingat, inilikas ang mga pasyente mula sa pitong ospital sa probinsya upang masuri ang katatagan ng mga gusali at matiyak ang kaligtasan ng lahat.