Dalawang mangangahoy ang nasawi ngayong hapon matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Sitio Bohe Libi, Barangay Al-Barka, sa lalawigan ng Basilan.

Batay sa paunang ulat, abala umano ang mga biktima sa pagputol ng kahoy nang sila’y biglaang tambangan at pagbabarilin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at militar upang matukoy ang motibo sa likod ng insidente at makilala ang mga nasa likod ng krimen.