Dalawang menor de edad mula sa Talayan at Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao del Sur, na naging biktima ng illegal recruitment, ay ligtas nang naibalik sa kanilang mga pamilya noong Marso 12, 2026, sa pamamagitan ng koordinadong aksyon ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) at ng iba pang partner agencies.
Ayon sa ulat, ang mga menor de edad ay na-recruit para sa umano’y trabaho sa ibang bansa bilang household service workers. Intercepted ang mga ito at dinala sa Tahanan ng Inyong Pag-Asa (TIP) Center sa Mandaluyong City matapos silang mapigilan habang sinusubukang lisanin ang bansa.
Bilang bahagi ng reintegration, tutulungan ng MSSD ang pamilya ng mga biktima sa livelihood support, educational assistance, at iba pang interventions, kabilang ang legal assistance, batay sa pangangailangan ng bawat pamilya.

















