Sugatan ang tatlong motorista kabilang ang isang angkas matapos itong masangkot sa aksidente sa bahagi ng Sinsuat Avenue sa lungsod kamakalawa.

Kinumpirma naman ni TEU Chief Lt. Col. Rowell Zafra na dalawang motor ang nasangkot sa malagim na aksidente at kinilala nito ang mga nasangkot na sina Edren Guarin, 23 years old na driver ng kulay itim na MIO kasama pa ang isang angkas nito habang ang driver naman ng MT-15 ay si Ryan Al-Suwaiden Mangontra, 26 years old.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na mabilis ang takbo ni Mangontra at biglang nawalan ito ng kontrol at sumalpok sa likurang bahagi ng kasunod na motorsiklo.

Nagtamo ng malubhang sugat si Mangontra habang minor injuries naman ang inabot ni Edren at ng angkas nito.

Mabilis na isinugod sa ospital ang tatlo upang malapatan ng lunas samantalang patuloy na inoobserbahan ang biktima na si Mangontra ng kanyang attending physician at nakalabas na agad sa ospital sina Edren at kasama nito.