Sugat at pasa ang tinamo ng dalawang estudyante ng isang pribadong kolehiyo matapos itong aksidenteng masideswipe ng ambulansya sa isang tawiran sa Sinsuat Avenue dito sa lungsod.

Kinilala ng Traffic Management Unit ng lungsod ang mga biktima na sina Hannah Guiabar, 15 na residente ng bayan ng Sultan Kudarat at Lailanie Dalimbang, 16 na taga Rosary Heights 3 na parehas Grade 11 student habang kinilala naman ang drayber ng ambulansya na si Caloy Mohamad, 25 at taga bayan ng Datu Piang sa Maguindanao Del Sur.

Tumatawid umano ang dalawa sa pedestrian lane ng biglang magcounterflow ang ambulansya.

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, di na napansin ng tsuper na mayroon itong nasaging mga bata.

Mabilis naman na tinulungan ng mga nakakita ang insidente ang dalawang estudyanre at dinala ito sa CRMC para sa kaukulang lunas.

Nasa maayos nang lagay ang dalawa at nagkaroon ng pagkakaayos ang mga magulang ng biktima maging ang tsuper ng ambulansya.