Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagboluntaryong sumuko sa mga tropa ng 1st Special Forces (Hunter-Killer) Battalion sa ilalim ng 4th Infantry (Diamond) Division noong Pebrero 21, 2026, sa Barangay Mampayag, Manolo Fortich, Bukidnon.
Ang mga sumuko ay kinilalang sina alyas Wowie at Doms, at alyas Marita. Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng 1st Special Forces Battalion para sa dokumentasyon at assessment, habang pinoproseso ang kanilang eligibility sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), na layong suportahan ang mga dating rebelde sa kanilang muling integrasyon sa komunidad.
Ayon sa mga awtoridad, tiniyak ng unit ang suporta sa proseso ng reintegration ng mga sumuko, at hinikayat ang natitirang miyembro ng NPA na talikuran ang armadong pakikibaka at sumunod sa batas.
Sinabi ni Major General Michele B. Anayron Jr., Commander ng 4ID, na ang boluntaryong pagsuko ng dalawang NPA ay bahagi ng patuloy na pagbaba ng impluwensiya ng insurgency sa rehiyon, bilang resulta ng tuloy-tuloy na military operations at mga hakbang ng pamahalaan laban sa ugat ng insurhensiya.

















