Kasunod ng matagal na alitan, pinagtibay ng dalawang pamilya sa Sitio Manggapang, Brgy. Manongkaling ang isang kasunduan nitong Disyembre 7, 2025. Sina Anwari Gayanandang at Diya Mohammad Payatok, parehong miyembro ng 118th Base Command ng MILF–BIAF, ay pumayag na wakasan ang hindi pagkakaunawaan na nagdulot ng pagdurusa sa komunidad, kabilang ang pagkasawi ng sibilyan, pagkasira ng kabuhayan, at paglikas ng mga residente.
Ang pinal na kasunduan ay isinagawa sa tanggapan ni Provincial Governor Datu Ali M. Midtimbang matapos ang serye ng pag-uusap at negosasyon sa pagitan ng dalawang panig. Layunin ng hakbang na ito na muling maibalik ang kapayapaan sa nasabing pamayanan at maiwasan ang karagdagang karahasan.
Ayon sa opisyal na pahayag, ang kasunduang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na magsulong ng mapayapang resolusyon sa mga alitan sa Maguindanao del Sur.

















